KCFI at Tahanan, Nagdonate ng 649 Libro

Sa ika-22 anibersaryo ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI), isinagawa ang virtual turnover ng nasa 649 librong donasyon mula sa Tahanan Books, Hunyo 14.

Pinangunahan ito nina Ms. Rina Lopez-Bautista, President at Executive Director ng KCFI, Ms. Reni Roxas, publisher at editor-in-chief ng Tahanan Books, kasama ang mga guro at batang makakatanggap ng bilingual storybooks. Mula sa mga pampublikong paaralan sa Sta. Rosa, Laguna, Jordan at Buenavista, Guimaras, at Marikina City ang benipisyaryo ng mga libro.

Ang pagbabasa ng libro ay nakakatulong sa paglilinang at pagpapalawak ng kaalaman ng isang bata. Batay sa pananaliksik ng Organization for Economic Cooperation and Development, ika-78 sa 79 bansa ang Pilipinas sa antas ng pagbabasa at 77 sa siyensya at matimatika.

Bilang tagapangasiwa sa pagpapanday ng edukasyon para sa mga bata, ninais ng KCFI na labanan ang dulot ng Philippine Learning Crisis sa pamamagitan ng pagpapayaman sa digital education.

“Matapos ang higit isang taon na tayo [ay] nasa pandemya, tayo ay may pinagdadaanan pa rin na Philippine Learning Crisis. At malalabanan lamang natin ang learning crisis na ito kung magtutulungan tayo at bibigyang pansin natin ang nutrition, helalth, social protection, at early learning stimulation ng mga batang [nasa] edad 0-8 years old,” aniya Rina Lopez-Bautista.

Naniniwala si Reni Roxas na sa kanilang koordinasyon sa KCFI ay masisiguro nitong ang mga libro ay mababasa ng mga bata at hindi lamang mananatiling dekorasyon sa silid-aklatan. Dagdag ninya, “We hope our title will serve as useful teaching aids for your literacy development initiatives. Knowledge is a precious commodity in every person’s life. For a developing country such as ours [Philippines], the spread and dissemination of knowledge are particularly vital to our role as nation builders.”
Gayunpaman, hinimok ni Meg Roxas, Marketing Coordinator ng Tahanan ang bawat batang kalahok ng programa. “Sana hindi lamang matapos sa pagbabasa. Kasi isa din sa mga gusto naming mangyari dahil mga bata pa kayo, sana pangarapin ninyo ring magsulat ng sarili ninyong kuwento. Makapagguhit ng sarili ninyong kuwento,” aniya.