VOLUNTEER  |  CAREERS  |  DOWNLOADS  |  SITEMAP
PROGRAM DETAILS
 
 Kasaysayan TV
Medium: Filipino

Knowledge Channel’s home-grown series for Araling Panlipunan (First Year High School), Kasaysayan TV (KTV) creates interest in Philippine History and national issues while developing critical thinking. KTV presents our nation’s past through the eyes of historians, national figures and authorities in various fields, and examines the different forces and events that shaped the Filipino identity and destiny.

  Schedule
  SUNDAY - 5:20:00 PM
SUNDAY - 07:40:00 AM
MONDAY - 07:20:00 AM
TUESDAY - 12:00:00 PM
WEDNESDAY - 7:00:00 PM
THURSDAY - 12:40:00 PM
FRIDAY - 5:40:00 PM
FRIDAY - 12:00:00 PM
   
  Episode Guide
 
Kasanayang Pampagkatuto: Ang Pag-Aaral Ng Kasaysayan / Kahalagahan Ng Kasaysayan ANG PAG-AARAL NG KASAYSAYAN
June 13, 2010 - June 18, 2010
Mapag-aaralan sa palabas na ito ang katuturan ng kasaysayan gayundin ang kahalagahan nito sa buhay.
Kasanayang Pampagkatuto: Heograpiya At Kasaysayan ANG BATAYANG HEOGRAPIKAL NG PILIPINAS
June 20, 2010 - June 25, 2010
Tinatalakay ang iba’t-ibang teorya na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng bansang Pilipinas. Tinatalakay din dito ang pisikal na katangian ng bansa at kung paano makakatulong ang mga mamamayan sa pangangalaga ng likas na yaman.
 Kasanayang Pampagkatuto: Sinaunang Kabihasnan MGA UNANG TAO SA PILIPINAS
June 27, 2010 - July 02, 2010
Tinatalakay sa palabas na ito ang iba’t-ibang teorya na nagpapaliwanag kung paano nakarating sa bansa ang mga unang Pilipino. Kilalanin din ang sampung datu na nagtayo ng pamayanan sa bansa sang-ayon sa ulat ni Maragtas.
Kasanayang Pampagkatuto: Sinaunang Kabihasnan ANG KULTURA NG SINAUNANG PILIPINO
July 04, 2010 - July 09, 2010
Tuklasin ang kultura ng mga sinaunang Pilipino sa palabas na ito. Alamin ang katuturan ng sistemang barangay. Pag-aralan din ang sistema ng pamamahala, edukasyon at paglilitis sa barangay
Kasanayang Pampagkatuto: Sinaunang Kabihasnan ANG MGA KATUTUBONG PAMAYANAN
July 11, 2010 - July 16, 2010
Ipapaliwanag sa palabas na ito ang dalawang uri ng pamayanang umunlad: ang ‘ilowa’ at ‘ilaya’. Alamin natin ang ugnayang pangkalakalan na naganap sa pagitan ng dalawang pamayanang ito.
Kasanayang Pampagkatuto: Sinaunang Kabihasnan PAGDATING NG ISLAM
July 18, 2010 - July 23, 2010
Tatalakayin sa palabas na ito ang malaking epekto ng pagpasok ng relihiyong Islam sa bansa. Alamin kung saan nagmula ang relihiyong ito at kung paano ito lumaganap.
Kasanayang Pampagkatuto: Kolonisasyon At Kristiyanisasyon SANDUGUAN
July 25, 2010 - July 30, 2010
Sa palabas na ito susuriin ang mga salik na naging daan nang pagpasok ng kolonisasyon. Alamin kung paano tinanggap ng mga katutubo ang mga mananakop. Ano ang sanduguan sa pananaw ng mga katutubo at Español?
Kasanayang Pampagkatuto: Kolonisasyon At Kristiyanisasyon KOLONISASYON: HAMON SA BAYAN
August 01, 2010 - August 06, 2010
Sa palabas na ito tatalakayin ang tatlong uri ng pagkilos na may kaugnayan sa kolonisasyon at ito ay ang pagtutol, pagtakwil at pagtanggap ng mga katutubo sa pananakop.
Kasanayang Pampagkatuto: Kolonisasyon At Kristiyanisasyon PAMUMUHAY SA LOOB NG PUEBLO
August 08, 2010 - August 13, 2010
Kilalanin ang sistemang ‘pueblo’ at ang iba’t-ibang patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan dito—enconmienda, tributo, polo y servicios at bandala.
BALIK- ARAL
August 15, 2010 - August 20, 2010
Sa palabas na ito balikan ang mga aralin mula una hanggang ika-siyam na linggo ng Unang Markahan.
Kasanayang Pampagkatuto: Mga Kilusan Tungo Sa Pagbabago PAKIKIPAGSUBUKAN NG BAYAN
August 22, 2010 - August 27, 2010
Tatalakayin sa palabas na ito ang ilan sa mga naunang pag-aaklas o rebolusyon na naganap sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. Layunin ng mga rebolusyong ito na ibalik sa dating gawi ang relihiyon at sistema ng pulitika.
Kasanayang Pampagkatuto: Mga Kilusan Tungo Sa Pagbabago ANG MGA DIGMAAN SA BANGSA MORO
August 29, 2010 - September 03, 2010
Alamin sa palabas na ito ang lakas at kapangyarihan ni Sultan Kudarat at ng mga Sultanato sa Sulu na sinubukang pasukin ng  mga mananakop.
Kasanayang Pampagkatuto: Mga Kilusan Tungo Sa Pagbabago LAND GRABBING AT IBA PA: GUMISING SA KAMALAYAN
September 05, 2010 - September 10, 2010
Tatalakayin sa palabas na ito ang pagpapalitan ng sistemang ‘hacienda’ at ang sistemang ‘encomienda’. Alamin ang katuturan nito at kung anu-anong pagbabago ang naganap sa bansa dala nito. Sundan din ang patuloy na rebolusyon sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.
Kasanayang Pampagkatuto: Mga Kilusan Tungo Sa Pagbabago PAGKAMULAT SA ISANG BANSANG LIPUNAN
September 12, 2010 - September 17, 2010
Tatalakayin sa palabas na ito ang mga pagbabago na unti-unting nangyayari sa kapaligiran bunsod ng mga kaganapan sa pulitika at ekonomiya. Alamin ang mga pagbabagong nagaganap sa simbahan at ang epekto nito sa bansa. Subaybayan din ang pagsibol ng literaturang Pilipino sa panahong ito.
Kasanayang Pampagkatuto: Himagsikang Pilipino HIMAGSIKAN
September 19, 2010 - September 24, 2010
Sa palabas na ito babalikan ang tagumpay ng mga rebolusyon sa bansa. Kilalanin ang KKK at ang layunin nito.
Kasanayang Pampagkatuto: Himagsikang Pilipino PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
September 26, 2010 - October 01, 2010
Sa palabas na ito tatalakayin ang pagsusumikap, pakikipaglaban, at tagumpay ng mga Pilipino para sa kalayaan  mula sa mga mananakop na Español at sa pagsasailalim ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng mga Amerikano.
 Kasanayang Pampagkatuto: Mga Patakaran Ng Pagsupil ASIMILASYON AT REPRESYON SA PANAHON NG MGA AMERIKANO
October 03, 2010 - October 08, 2010
Tatalakayin sa palabas na ito ang pananatili ng mga Amerikano sa bansa. Isa-isahin ang mga pagbabagong naganap at kung paano ito tinanggap ng mga Pilipino .
Kasanayang Pampagkatuto: Pagpupunyagi Sa Kabila Ng Pagsupil ANG COMMONWEALTH
October 10, 2010 - October 15, 2010
Sa palabas na ito ipinapakita ang hangad ng mga Amerikano na turuan ang mga Pilipino ng sariling pamamahala. Ang bansa ay sumailalim sa Commonwealth kung saan si Manuel Quezon ang Pangulo.
Kasanayang Pampagkatuto: Pagkabalam Ng Kalayaan ANG PANAHON NG HAPON
October 17, 2010 - October 22, 2010
Sa palabas na ito ipinapakita ang mahirap na kalagayan ng mga Pilipino nang pumasok ang mga Hapon sa bansa. Hudyat ito ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alamin ang mga mahahalagang pangyayari at ang lagay ng pamahalaan sa ilalim ng mga Hapones
BALIK ARAL
October 24, 2010 - October 29, 2010
Sa palabas na ito balikan ang mga aralin mula una hanggang ika-siyam na linggo ng Ikalawang Markahan.